Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Teleserye Nina Sam Milby Naudlot... Judy Ann, Balik Muna Sa Pagluluto!!


Malapit nang mapanood muli si Judy Ann Santos sa Pinoy Master Chef sa telebisyon. Ngayon ay excited na ang aktres sa pagbabalik ng nasabing show sa ere. “Excited! Na-miss ko rin kasi ‘yung tatlong chefs ko. So maliban dun, excited ulit akong makasama sila. Excited ako na makakita ulit ng bagong talento sa Pilipinas na talagang mahuhusay magluto kaya isa ‘yun sa mga nakaganda rin dito sa Master Chef. Nailalabas natin ‘yung home cooks, na hindi chefs lang dapat ang may alam sa pagluluto, na lahat naman tayo may karapatan magluto,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Sa nakaraang season ng Pinoy Master Chef ay mga bata ang naging contestants pero ngayon ay adults naman ang mga kasali.

Ngayon ay mas magiging kumportable na raw si Juday pero nakakaramdam din ng kaba. “Mas confident na lang ng konti kasi napagdaanan ko na ‘yung first step eh. Saka para sa akin talaga mas mahirap magbigay ng opinyon sa mga bata kasi bata ‘yung kausap mo, kailangan very careful ka sa mga pagbibigay ng salita. Kasi ayaw ko naman na hanggang sa paglaki nila, dadamdamin nila ‘yung mga sinabi ko ‘ di ba?

“Mas confident pero mas nakakakaba kasi hindi ko alam kung paano ite-take ng contestants at chef judges at ako rin dahil magiging very sports ba sila sa pagdinig at pagtanggap ng opinyon namin o kalma lang, o baka hindi rin. Ito yata ‘yung show na maraming paninimbang na mangyayari,” paliwanag pa ng aktres.

c/o BOY ABUNDA

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: