Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, October 19, 2012

SUMPA ni MO TWISTER EPIKTIBO... RHIAN RAMOS Walang Offer Sa Ibang Network Kaya Nanatiling KAPUSO!!!


MUKHANG ek-ek lang ni Rhian Ramos ang pagpapakita niya ng loyalty sa GMA 7.

Rhian recently signed a contract with GMA bilang pagpapatunay na mananatili siyang Kapuso.

Ilang taon din siyang mananatili sa bakuran ng Siyete dahil sa kanyang pinirmahang kontrata.

Ang sabi niya, nagsimula siya sa nasabing network at ito ay kanyang tinatanawan ng malaking utang na loob.

But the truth is, parang wala namang ibang offer si Rhian mula sa ibang network.

Hindi naman yata siya binigyan ng anumang offer ng either TV5 or ABS-CBN kaya she was left with no choice kundi pumirma muli sa Siyete.

Actually, magaling namang artista si Rhian, maganda naman siya at talagang malaki ang potential. The only thing that hinders her growth as an actress ay ang pagkaka-link niya kay Mo Twister and the scandal that went with it.

To put it bluntly, Mo Twister destroyed her career.

Whether aminin o hindi iyan ni Rhian or ni Mo ay ‘yan ang katotohanan.

Simula nang maiskandalo sila ng kanyang dating boyfriend ay biglang nawala ang amor ng mga tao sa kanya.

Sinasabi nila na naka-move on na si Rhian mula sa kontrobersiyal na relasyon nila ni DJ Mo, pero ang tanong, ang mga tao kaya na nakaalam ng mga pinaggagagawa nila ni Mo, naka-move on na?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: