Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

SOLENN HEUSSAFF at ISABELLE DAZA Magpapatikim!!!


Matitikman na ang Taste Buddies nina Solenn Heussaff at Isabelle Daza bukas nang 5:40 PM sa GMA News TV Channel 11.

Mahilig sa healthy life­style ang magkaibigang sina Solenn at Isabelle. Parehong food lover ang kani-kanyang pamilya.

Sa Taste Buddies, magkakasama sa isang pad ang magkaibigang Solenn at Isabelle. Makikilala nila rito sina Mikael Daez, Rodjun Cruz at Betong Sumaya.

Iba't ibang masasarap na pagkain ang ihahanda nina Solenn at Isabelle -- na makikita rin sa kanilang blog!

Sa pilot episode ng Taste Buddies, gagawa sila Solenn at Isabelle ng Peanut Butter-Banana Smoothie gamit ang soy milk. Magluluto rin sila ng Roasted Chicken Pizza Pandesal and Creamy Dulong Pasta.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: