Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Slater Young Nagkakamali Pag Ka-Eksena si Bea Alonzo!!!


Malapit nang mapanood ang teleseryeng A Beautiful Affair nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Teaser pa lamang ay talaga namang mapapa­hanga ka na dahil kinunan pa ito sa Vienna, Austria.

Kasama rin sa nasabing serye si Slater Young at aminado ang binatang nahirapan siya sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa drama. “First time na isasalang ako sa teleserye, Primetime na kaagad. Mahirap ‘yung role, interesting ‘yung role ko. Na-try ko na ‘yung mga cameo-cameo role rati, ito ‘yung seryoso talaga. It’s not easy, sobrang hirap noong una. It’s getting easier naman, pero siyempre kabado pa ng konti,” pagtatapat ni Slater.

Kasama raw madalas ng binata sa mga eksena si Bea kaya kinakabahan daw siya palagi sa set. “Nakakahiya pala, every time na magkamali ako sob­rang nahihiya talaga ako sa kanya. Sobrang bait niya na, ‘No it’s okay. Nagkakamali naman lahat.’ Sobrang bait niya at makulit din. Palagi niya akong tinutukso,” kuwento ni Slater.

Samantala, aminado rin ang binata na wala pa rin daw siyang karelasyon ngayon. “Sa showbiz maraming crush-crush pero I’m not dating anyone. I’m not going with anyone seriously. Kung meron, ‘di siyempre gusto ko naman din. Kung wala, okay lang din, trabaho muna,” giit pa niya.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

3 comments:

Anonymous said...

OK lang yan slater, lhat nman nagkakamali sa pag acting eh. nagsisimula ka pa lng. pagbutihin mo na lang. :)

Anonymous said...

ok lang talaga yan slater.. susuportahan ka nmin na mga fans mo.. i love u slater!! xD

Anonymous said...

ok lang talaga yan slater.. susuportahan ka nmin na mga fans mo.. i love u slater!! xD