Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 11, 2012

BLIND ITEM: SINGER/ACTRESS Muntikan Nang Isumpa Ni HOST/ACTOR


Sino naman itong isa pang singer/actress na kamuntik-muntikan na talagang isumpa at burahin sa mapa ng showbiz ng isang beterano at nirerespetong host/actor, dahil sa balak nitong ‘di pagdalo sa isang award-giving body kung saan isa si singer/actress sa bibigyang parangal ni host/comedian.

Papa’no ba naman, on the spot daw nang sabihin ng ina ni singer/actress na hindi na sila makakadalo, at nang tawagan ulit ito ay hindi na makontak pa. Nagdrama pa raw ang kampo ni singer/actress na wala siyang alam about sa nasabing para-ngal na ibibigay sa kanila. Pero ayon sa host/comedian, 2 weeks na raw na nilang sinabihan si young singer/actress at ina nito about the award.

At 2 days bago ang event ay mu-ling ipinaalala ni host/comedian kay singer/actress ang tungkol sa nasabing award na tinanguan pa nito. Kung hindi pa nga raw nalaman ng kampo ni singer/actress na galit na galit na si host/comedian

sa kanya, baka raw tuluyan na itong hindi pumunta sa awards night para tanggapin ang award na ibinigay sa kanya ni host/comedian.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: