Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, October 19, 2012

SHAINA MAGDAYAO's Mom Saya ‘Kung wala siyang sasabihing maganda, wag na siyang magsalita!’


Malakas ang ugong ng balita na nagiging close ngayon sina Shaina Magdayao at Gerald Anderson.

Nilinaw na ng dalaga na magkaibigan lang sila, pero maraming ayaw maniwala, kakaiba ang nakikita nilang koneksiyon kina Shaina at Gerald.

At kung totoo ngang nililigawan ngayon ng young actor si Shaina ay wala namang problema, libre naman silang dalawa para makipagrelasyon, dalawang puso sila na nasasaktan ngayon.

Sobrang nasaktan si Shaina sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz, lalo na sa binitiwang pahayag ng binata na ngayon lang daw ito nakaramdam ng kaligayahan kay Angelica Panganiban, galit na galit ang mommy ni Shaina sa sinabing ‘yun ni JLC.

Kung maglilitanya lang ng mga kuwento si Shaina ay siguradong aaray si John Lloyd, kung benggadora lang ang dalaga ay mas matindi sanang rebelasyon ang puwede niyang sabihin tungkol sa kanyang ex, pero nanatiling tahimik lang ang batang aktres.Dahil du’n ay si Mommy Deanne ang nagtanggol sa kanyang anak, “Kung wala siyang magandang masasabi tungkol kay Shaina, huwag na lang sana siyang magsalita. Ganu’n ang gentleman,” sabi ng ina ni Shaina.

Si Gerald naman ay tinanggihan nang husto ng ina ni Sarah Geronimo, para namang may nakahahawang sakit ang hunk actor kung maliitin ng ina ng singer-actress, hanggang sa nagsawa na rin ang binata sa panunuyo sa dalaga.

Komento ng isang kaibigan naming director na nakakakilala nang husto kay Gerald, “Asus! Kung magkapagsalita naman si Aling Divine, akala mo naman nag-iisang babae na lang sa mundo ang anak niya para habul-habulin ni Gerald!

“Sayang, pinakawalan pa nila ‘yung bata, mabait si Gerald, marespeto, marunong lumagay sa lugar!” litanya ng aming kausap na direktor.

Kaya kung totoo ngang nagkakamabutihan na ngayon sina Shaina at Gerald ay maraming matutuwa, maraming boboto sa kanilang relasyon, pareho kasi silang marunong magpahalaga sa relasyon at hindi sila ang tipong kapag nakipaghiwalay na ay kung ano-ano na ang pamimintas na sinasabi tungkol sa kanilang ex.

“That would be lovely!” komento uli ng direktor na hindi pa man ay nakakaramdam na ng kilig sa kuwento tungkol kina Gerald at Shaina.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

2 comments:

Anonymous said...

weeeh ano b ibig svhin ni JLC hmmmm prng pagkkaintindi kuh cguro ibig sbihin ni loydie c angelica todo bigay sknya e shaina ayw nya kc tkot mbuntis kc bta p xa at ayw nya magplaglag ng baby kc masama un di 2lad ng ibng artista pinplaglag mga dinadala nila peace

Anonymous said...

weeeh ano b ibig svhin ni JLC hmmmm prng pagkkaintindi kuh cguro ibig sbihin ni loydie c angelica todo bigay sknya e shaina ayw nya kc tkot mbuntis kc bta p xa at ayw nya magplaglag ng baby kc masama un di 2lad ng ibng artista pinplaglag mga dinadala nila peace