Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 15, 2012

SHAINA MAGDAYAO Tinanggi Sina GERALD ANDERSON at RICO BLANCO!!!


ANG PAGIGING single niya ang nakikitang rason ni Shaina Magdayao kung bakit nili-link siya ngayon kung kani-kaninong mga lalaki. Unang naugnay kay Diether Ocampo at ngayon naman ay kina Rico Blanco at Gerald Anderson.

Naiklaro na dati pa ng aktres na kakilala na niya si Diether mula pa lang nu’ng magsi-mula siyang mag-artista at magakakagrupo sila ‘pag lumalabas dahil sa iisa nilang handler na si Ms. Monch Navales. Ayon nga kay Shaina, kuya ang tingin niya sa aktorkaya malabo ang isyu na nanliligaw ito sa kanya.

Binigyang-linaw rin na matagal na silang magkaibigan ni Rico Blanco at sa pagkakaalam din namin ay may non-showbiz girlfriend ito. Kaibigan din si Gerald at kung nagkakausap man sila sa ASAP, wala siyang nararamdamang anumang pagkailang dahil alam niyang wala silang ginagawang ano pa man. Ayon nga sa aktres, wala siyang number ng aktor kung kaya’t wala silang komunikasyon.

Open sa mga manliligaw, pero hindi sa pakiki-pagrelasyon lalo’t ngayon ine-enjoy ni Shaina ang pagiging single. Naka-pokus ang buong atensyon niya sa pinagbibidahang serye, ang Kung Ako’y Iiwan Mo, na na-extend na ng dalawang beses dahil sa taas ng ratings at mainit na pagtanggap dito ng publiko lalo na ng mga OFW’s sa buong mundo.

c/o PINOY PARAZZI

No comments: