Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

ROCCO NACINO Hindi Na Nakatiis.. SHEENA HALILI Inamin na Sa Publiko!


Si Rocco ang leading man ni Lovi sa Yesterday’s Bride.
Na-miss ni Rocco ang pag-arte dahil tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang kanyang huling TV series, ang The Good Daughter.


Hindi nawalan ng ginagawa si Rocco dahil sa mga guesting niya sa mga regional show at TV programs ng GMA 7.


Hindi na itinatago ni Rocco sa entertainment press ang magandang relasyon nila ni Sheena Halili. Mag-iisang taon na ang kanilang madalas na pagkikita.


Sanay na sanay na si Sheena sa showbiz kaya confident si Rocco na hindi pagseselosan ng kanyang girlfriend ang intimate scenes nila ni Lovi sa Yesterday’s Bride.


Isa si Sheena sa mga talented actress na hindi pa nabibigyan ng malaking break sa telebisyon.


Buo ang paniniwala ni Rocco na mapapansin si Sheena sa role nito sa Indio, ang epicserye na pinangungunahan ni Senator Bong Revilla Jr.


Ikinumpara ni Rocco kay Mulan ang karakter ni Sheena sa Indio kaya malaki ang tsansa na matupad ang pangarap ng kanyang girlfriend na mabigyan ng lead role sa mga future project ng kanilang home studio.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: