Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

ROBIN PADILLA at CARMINA VILLARROEL Walang Ilangan Sa Set Nang TODA MAX!

WALA kaming nakitang animosity o kahit kaunting pag-aalangan kina Robin Padilla at Carmina Villarroel nang magkita ang dalawa sa set ng Toda Max, sitcom ng una with Vhong Navarro, Pokwang and Angel Locsin, sa Studio 10 ng ABS CBN noong Tuesday ng gabi.

If, at all, they were just acting the way they should.

Guest nang gabing iyon si Carmina and it was obvious na she had fun. Humahagikgik siya sa tuwing makikipageksena kina Robin, Vhong, Pokwang at Angel. Lalo’t ka-join pa nila si Al Tantay, himself a natural comedian.

At home na sina Robin, Vhong, Pokwang at Angel sa kani-kanilang role. Kaya wari mo’y naglalaro lang din sila.

Tuloy, enjoy na enjoy si Direk Malu Sevilla habang nakaupo sa director’s booth.

As we all know, may pinagsamahan, wika nga, sina Robin at Carmina. Minsan din silang naging magbayaw, courtesy ni Rustom Padilla, elder brother ni Robin, na mas kilala na ngayon as BB Gandanghari.

Tulad ng madalas sabihin ni Bb, patay na si Rustom. Kaya dapat, ’di na ito binabanggit pa o pinag-uusapan.

We also know na happy na si Carmina with her new family. She and Zoren Legaspi are just waiting for the proper time to make their pagsasama legal.

Their twins, Cassy and Mavy, complete their happy family.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: