Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

RJ SALVADOR May NUDE SCENE Sa Pelikulang TIKTIK: The Aswang Chronicle!




SEEN : Napatili si Andi Eigenmann nang ibuking ni Jaclyn Jose sa presscon ng A Secret Affair na medyo matagal na sila ng kanyang bagong boyfriend. Ang anak nina Laarni Enriquez at ex-President Joseph Estrada ang boyfriend ni Andi na tinutukoy ng kanyang ina.

SCENE: May meet -and-greet sa Trinoma Activity Center ang cast ng A Secret Affair sa October 20

SEEN: Mapapanood si Jessica Sanchez sa Season 4 ng Glee. Hindi na big deal sa mga Pilipino ang Glee appearance ni Jessica dahil naunahan na siya ni Charice.

SCENE : Hindi helpful sa career ni Jericho Rosales ang press release na mas gusto niya na kumanta kesa umarte dahil hindi siya outstanding singer.

SEEN: Pasado sa MTRCB ang mga nude scene ni RJ Salvador sa Tiktik: The Aswang Chronicles. Pamangkin si RJ ng award-winning actor na si Phillip Salvador at aswang ang role ni RJ.

SCENE: Seryoso si Regine Velasquez sa kanyang South Beach diet dahil sa susunod na buwan na ang silver anniversary concert niya sa The Arena.

SEEN: Tuwang-tuwa si Dingdong Dantes at ang production staff ng Tiktik: The Aswang Chronicles dahil sa mga positive feedback sa kanilang pelikula.

SCENE: Matutuwa ang manufacturer ng Boy Bawang dahil sa malaking exposure ng kanilang produkto sa Tiktik: The Aswang Chronicles.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: