Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Rica Peralejo Wala Nang Interes Sa Showbiz, Mas Gustong Magbahagi Ng Salita Ng Diyos!


Hindi man madalas mapanood ngayon sa telebisyon at pelikula si Rica Peralejo ay masaya naman daw siya sa buhay may asawa.

Hindi raw pinagsisisihan ng aktres ang paglagay niya sa tahimik. “Very, very happy. Not only happy but peaceful. It’s a much more peaceful life talaga, no regrets talaga,” bungad ni Rica.

May mga pagkakataon din minsan na hinahanap-hanap daw ni Rica ang mga dating ginagawa sa showbiz. “I always am expressive, I’m very crafty. Nami-miss ko ang part na ‘yon. I also miss being able to connect to creative people as well, ‘yun siguro ang nami-miss ko,” pagtatapat ni Rica.

Ang hindi raw nami-miss ni Rica ay ang mahabaang oras ng trabaho sa showbusiness. “’Yung work load talaga kasi, this is a business and the business is yourself so you are a store and you’re open 24/7. That doesn’t appeal to me anymore. Maybe when I was younger okay pa ‘yon kasi you don’t have so much responsibilities pa ganyan, so ngayon ayoko na ‘yon,” giit pa ni Rica.


Mas nag-e-enjoy na raw ang aktres ngayon na kasama ang asawang si Joseph Bonifacio sa pamamahagi ng Salita ng Diyos sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: