Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

REGINE VELASQUEZ... Mamimigay Nang TICKETS Sa Kanyang SILVER ANNIVERSARY CONCERT!!!



DUMALAW ako kay Cacai Velasquez kahapon sa bahay niya sa Loyola Grand Villas para pag-usapan ang publicity and promo ng Silver, ang 25th anniversary concert ni Regine Velasquez.

Si Cacai ay kapatid ni Regine at siya rin ang business manager ng misis ni Ogie Alcasid.

Napakalaking concert ng Silver.

"Kasi nga, 25th anniversary concert ito ni Ate (although 26 years na this year sa showbiz si Regine).

Kailangan talaga, bongga 'yung concept ng concert niya this year.

"Guests sa Silver sina Ogie (Alcasid), Janno (Gibbs), Lani Misalucha at may Mr. C (Ryan Cayab­yab) din kami, 'tapos may 60-piece orchestra pa.

"Bale sina Mr. C at Raul (Mitra, her husband) ang musical directors.

"Hindi pa complete 'yung guest list dahil may mga gusto si Ate na makasama sa concert niya, pero naghihintay pa kami ng sagot kung puwede sila sa November 16," sey ni Cacai.

Madugo ang Silver concert ni Regine at mismong ang Asia's Songbird ang nag-iisip ng mga kakantahin niya sa concert na ito.

"Puro songs niya na nai-record ang kakantahin niya. 18 numbers lahat ang gagawin ni Ate, pero maraming medley, kaya more than 25 songs ang kasama sa concert na ito.

"May part din na kakantahin niya 'yung songs niya na hindi nai-release as single.

"Hindi pa tapos na tapos 'yung concept ng concert dahil nakakatatlong meetings pa lang kami," lahad ni Cacai.

"Marami pang gustong gawin si Ate para sa Silver, kaya hindi pa final ang line-up ng concert namin.

"Sa ngayon, maganda na 'yung mga segment na naisara namin. Okay na okay na ang Silver," sey ni Cacai.

Masaya sila sa benta ng tickets ng Silver.

"Iyung VIP-A, soldout na at 'yung VIP-B, konting-konti na lang. Konti na rin lang ang Patron at 'yung ibang sections, madali ring maubos ang tickets.

"Bale sa smtickets.com 'yung tickets namin at mabilis talaga ang bentahan.

"Compared sa shows ng ilang international singers, mas mura naman kami.

"Kahit sobrang laki 'yung Silver, hindi kami puwedeng magtaas ng sobra," pahayag ni Cacai.

Co-producer nila ni Regine ang GMA 7 sa concert.

"Bale tatlo kami ng GMA 7, kasi sa contract namin sa kanila, dapat meron siyang TV special na yearly, kaya itong Silver, part na no'n. Magiging TV special ito.

"Mas maganda talaga na kasosyo namin ang GMA 7 dito," sey pa ni Cacai

Ang Belo at Bench ang co-presentors ng Silver at major sponsors ang SunLife, Smart, Victoria Court, McDonald, Pacific Blue Shades, Cravings.

Abangan n'yo ang mga tweet ni Regine (@reginevalcasid) dahil mamimigay siya ng free tickets sa ilang fans na makakapagbigay ng 25 memorable things na alam nila tungkol sa Asia's Songbird.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: