Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 8, 2012

Piolo Pascual at Judy Ann Santos Possible Na Ang Reunion Movie?!!

Sa ginanap na ABS-CBN Trade Launch last Wednesday, muling nag-krus ang landas nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. At nang ma-interview sila ng The Buzz, ay nakakatuwang makita na talagang magkaibigan na sila.

"Palagi kaming nagkakasama niyan! Hindi lang napapansin ng camera! We see each other! Kung anuman yung noon, tapos na yun! Hindi lang nakikita ng mga tao na nag-uusap kami but we’re okay! We’re still okay," ang sabi ni Judai.

Kung anumang friendship meron sila noon, napanatili naman daw nila yun hanggang ngayon."Oo naman hindi mawawala yun, hindi maaalis yun kahit kailan! We belong to one family so okay lang!"

Posible na bang matuloy ang reunion movie nila?

"Pag pumayag siya andito lang ako! Ganon naman ako ever since!"

"Kung meron, pag-uusapan naman yan eh. Pero with Piolo we’re friends naman niyan," sabi naman ni Judai.


Ano sa palagay ninyo? Possible na kaya?


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: