Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

Paulo Avelino at James Blanco, parehong napapansing ang kahusayan sa pag-arte


NAGKAKAROON NG bagong sigla ang pagiging mga artista nina Paulo Avelino at James Blanco, na mga dating mapansin-dili sa showbiz. Hindi na ngayon dapat ma-guilty si Paulo sa pangungunsensiya noon ng mga dati niyang nakasama at mga kaibigang artista sa bakuran ng GMA 7, na baka hindi rin maging maganda ang kapalaran ng career niya kapag lumipat siya sa ABS-CBN. Kasi, biglang sumikat si Paulo dahil sa karakter niya sa teleser-yengWalang Hanggan bilang si Nathan.

Lulubog-lilitaw dati ang pangalan ni James sa showbiz, dahil mailap ang kasikatan sa kanya. Pero nitong mapansin siya dahil sa teleseryeng Lorenzo’s Time dahil sa maganda niyang role bilang si Jonas, marami ang naka-appreciate na nakakaarte naman pala siya talaga. Nagbago na rin ang kanyang hitsura, dahil nang magkaedad siya ay mas gumuwapo pa at kina-career palang mag-gym, kaya maganda rin ang kanyang katawan. Mayroon na siyang asawa at dalawang anak, pero parang okey lang iyon sa kanyang fans, lalo pa’t hahangaan mo siya sa pagdadala ng sarili niyang pamilya.

Magaling din kasing mangiliti ng kanyang fans si Paulo, kaya hindi bumibitiw ang kanyang mga tagahanga. Bakit naman kasi ang hindi mo pagpapantasyahan ang kanyang kaguwapuhan at magandang katawan, kung ganyang may misteryo pa? May anak na si Paulo sa Kapuso star na si LJ Reyes. Pero ang maganda sa kanilang dalawa ay pareho silang madamot na mapag-usapan ang kung mag-ano pa ba sila ngayon? Kaya pati si LJ ay puwede ring pagpantasyahan ngayon ng kanyang fans, dahil bukod sa sumeksi ulit siya kahit may anak na siya.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: