Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

PAOLO CONTIS BAON SA UTANG!!!


Sa isang presscon kahapon ay inusisa ng entertainment press si Manay Lolit Solis tungkol sa balitang kaya maraming utang ang alaga niyang si Paolo Contis ay dahil lulong ito sa pagsusugal.

Sinabi ni Manay Lolit na sinabihan niya ang ex ni Paolo na si Lian Paz na tigilan na nito ang pagkukuwento ng kung anu-ano tungkol sa kanyang alaga katulad ng pagsusugal.

Sabi ni Manay Lolit, kaya maraming utang si Paolo ay dahil hindi ito marunong humawak ng pera at magastos talaga.

Marami kasing kaibigan si Paolo na mayayaman at kapag may mga gamit ito ay parang nakikipagsabayan ang kanyang alaga.

Katulad ng kotse ng isang kaibigang aktor, nang makita ni Paolo na may ganoong kotse ang kaibigan, bumili rin ng ganoong kotse ang kanyang alaga.

Maraming tinutulungan si Paolo at hindi maru­nong tumanggi kapag may lumalapit para manghingi ng pera.

May isang utility boy pa raw sa isang production ang pinag-aaral ni Paolo ang anak.

Nang malaman ni Manay Lolit na marami nang utang si Paolo, siya na mismo ang nagsabi sa utility boy na hindi na kaya ni Paolo na pag-aralin ang anak nito.

"Hindi naman puwedeng ang dami na ngang problema ni Paolo, eh, magpapaaral pa siya ng anak ng may anak," sey ni Manay Lolit.

Naikuwento rin ni Manay Lolit na kaya nagkakautang si Paolo sa iba't ibang tao ay para may maipambayad sa inutang nito sa iba pang mga tao.

"Paikut-ikot lang ang perang hinihiram niya," sey ni Manay Lolit.

Nag-dialogue rin si Manay Lolit na tigilan na ni Lian ang pagkukuwento ng kung anu-ano dahil magastos din si Lian.

"Kapag nagsa-shopping kasi si Jinkee Pacquiao, shopping din nang shopping si Lian at akala yata niya, eh, kasingyaman ni Manny Pacquiao si Paolo," sey pa ni Manay Lolit.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: