Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Pamilya Gutierrez handang-handa na sa kampanya!!!


Dahil magiging busy na at mas mamamalagi na sa Cebu, nagkaroon na ng family pictorial for the holidays ang mga Gutierrez sa Bottega Studio sa may Katipunan. Isinabay na rin ang pictorial ng calendar at poster na gagamitin ni Annabelle Rama sa campaign niya sa pagtakbong congresswoman sa isang distrito sa Cebu.

In fact, the day after the pictorial, bumalik sa Cebu si Annabelle at sabi ni Eddie Gutierrez next month, sa Cebu na siya mas mag-i-stay. Sabi rin ni Richard Gutierrez, magiging madalas ang punta niya ng Cebu para tulungan sa kampanya ang ina.

Hindi pa nadadala sa Cebu ni Richard si Sarah, pero may balak silang bumisita. Good luck kay Richard kung paano aayusin ang schedule sa rami nang ginagawa dahil may Extra Challenge pa at dalawang pelikulang gagawin

Kung matutuloy, sa Sabado na ang storycon ng Valentine’s Day presentation movie nila ni Marian Rivera na may working title na My Lady Boss. Pinalitan ng The Seduction ang The Affair movie nila nina Sarah at Solenn Heussaff. Next year na uli magkakaroon ng soap si Richard.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: