Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

MIKAEL DAEZ Walang Problema Sa Mga LOVE SCENES!!!


Isa sa maipagkakapuri kay Mikael Daez ay ang self-confidence niya. Talagang no amount of intrigue ang maaaring makapagpa-insecure sa kanya. Sa mga provincial sojourn ng Kapuso stars sa maraming probinsiya, hindi man siya maaasahang mag-perform, maaasahan siya sa pagho-host at pag-­e-emcee ng mga ginagawa nilang shows.

Sa teleserye niyang Sana ay Ikaw Na Nga, na-bridge na nila ng partner niyang si Andrea Torres ang ilang factor nila. Wala na silang problema sa intimate scenes nila. Na-master na nila ang cine­matic kissing scenes kaya madali na lang nilang gawin ito.

Marami nga ang nagtatanong kung hindi pa sila nadedebelop sa isa’t isa. Both are honest to admit na trabaho lang ang lahat. Pero sino ang makapagsasabi, pareho pa silang single ngayon?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: