Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

MICO PALANCA Tsinugi Sa CIELO DE ANGELINA!!!


Final nang wala sa cast ng Cielo De Angelina si Mico Palanca na dapat gaganap sa role ni Benjamin. Dumating sa storycon at nag-pictorial pa si Miko, pero sa first day taping, hindi dumating. Ang desisyon ng staff, palitan ito na hindi natuloy after nang pakikipag-usap ng GMA 7 management sa manager nitong si Arnold Vegafria.

Ibinalik sa cast si Miko at muling ini-schedule ng taping, pero hindi na naman dumating, kaya no choice ang production staff kundi tuluyan na siyang alisin at palitan para hindi mabitin ang taping sa pabagu-bago niyang isip. Sana, sinabi nito ng maayos na ayaw na niyang mag-artista para walang trabahong naaapektuhan.

Si Gerald Madrid ang ipinalit kay Mico at kinailangang nagkaroon ng revision ang script dahil hindi babagay kay Gerald ang karakter na ibinigay kay Mico. Hassle hindi ba?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: