Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Michael V, puwedeng lumayas sa Siyete! Inamin Na walang Offer Sa Kanya Ang Ibang Network!


INAMIN NI Michael V nang makatsikahan namin sa dining hall ng Kapuso Network na wala siyang kontrata sa GMA 7, per project lang daw ang kontrata niya, kayaanytime, puwede siyang lumipat ng network.

“Wala ako kontrata sa GMA 7. Pero kasama at kasunod niya ay palabra de honor. Kapag pinagkatiwalaan at inalagaan mo naman ako ay hindi importante ang kontrata. Sisiguruhin ko na mananatili ako sa network,” say ni Michael.

Ask kung may offer siya sa kabilang network na name your price pa raw ang ini-offer?

“No, walang offer sa akin. Totoo, may feeler. Kung mayroon ay malalaman ko kaagad kay misis, na tumatayong manager ko. Maganda naman ang pag-aalaga sa akin. Bakit ako lilipat? Unless ayaw na nila ang serbisyo ko,” say pa ni Michael.

Bago pala siya napunta ng GMA 7 ay nasa ABC 5 pa siya. Nahirapan daw siyang nang tanggapin ang offer ng Kapuso Network dahil may kontrata pa siya sa Singko at mataas ang rating ng programa niya na Tropang Trumpo.

“Noong time na ‘yun talaga ang pinakamahirap na naging desisyong ginawa ko. Kasi mataas ang rating ng show namin sa ABC 5, tapos ‘eto ang offer ng GMA 7 para sa isang gag show na Bubble Gang.

“Kailangan kong magdesisyon kaya kahit mahirap sa loob ko ay tinanggap ko ang BG na hindi naman ako nagkamali dahil magse-celebrate na kami ng 17th years sa Bubble Gang.

“Nagpaalam naman ako nang maganda sa Singko that time. Yes, may kontrata pa ako pero may nakita ka-ming butas sa kontrata,” pahayag pa ni Michael V.

Ina-min din ni Mi-chael, na gusto na nilang tapusin ang Bubble Gang pero habang tumatagal ang show ay dumarami ang tagasuporta at pagpasok ng mga baguhan at mga sikat na artista.

Tulad din daw ang naramdaman nilang Bubble Gang barkada sa naramdaman ng Eat Bulaga barkada na habang tumatagal ay mas nagiging challenging ang susunod nilang gagawing pagpapatawa.

Ngayon, magse-celebrate na sila ng 17th years kaya kakaiba ang inihanda nila sa darating na Friday na siguradong ikaliligaya ng viewers ng Bubble Gang.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: