Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 15, 2012

MATTEO GUIDICELLI at JESSIE MENDIOLA HULING NAGDATE!!!


SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Matteo Guidicelli nu’ng nakaraang presscon para sa SunPiology Run, agad naming tinanong ang aktor sa lumabas na balita na spotted daw sila ni Jessy Mendiola na nagde-date. ‘Di naman dinenay na totoong lumabas sila ng aktres, pero kasama nila ang buong casts at produksyon ng PHR Presents: Paraiso nang mag-taped sila nang long weekend sa Zambales.

Nang tanungin namin kung lumabas pa ba sila ng kapareha pagkatapos nito, hindi ang isinagot sa amin ni Matteo na lumalabas lang na minsan lang itong nangyari.

Hiningan din namin ng reaksyon sa pahayag ni JM de Guzman, nababalitang boyfriend ni Jessy, na may tiwala siya kay Matteo at alam niyang mabuti itong tao. Siniguro naman ng aktor na hindi siya gagawa ng anumang makababastos kay JM lalo’t kahit hindi sila close ay nakikita niya rin sa mga mata ni JM na mabuti rin itong tao.

Hindi naman nagsasara sa tawag ng pag-ibig, pero aminado ang aktor na sa ngayon ay hindi pa siya handa sa bagong pakikipagrelasyon. Hindi rin nakikipag-date sa kahit na kanino, marami lang kaibigan ang aktor na nandiyan sa tabi niya para magbigay sa kanya ng suporta.



Tinawagan at binati ang ex-girlfriend na si Maja Salvador nang mag-birthday ito last October 5, ‘di naman itinago na ‘di pa rin nawawala sa puso niya ang ex-girlfriend, at kung anuman ang naging samahan nila ay mananatiling espesyal palagi para sa kanya.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: