Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

Matapos ang brek-up nila ni Matteo Guidicelli Maja Salvador, puro trabaho na lang ang inaatupag


MASAYA NA ang hitsura ngayon ni Maja Salvador kapag ipinapaliwanag niya ang kanyang sarili kung okey na siya ngayong puro trabaho na lang muna ang kanyang inaatupag, dahil apat na buwan na nga silang hiwalay ng dati niyang karelasyong si Matteo Guidicelli. Puwede na ringpaniwalaan, dahil hindi na nga masyadong iyakin ngayon ang isa sa mga bida ng teleseryeng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN kapag tungkol sa nawasak na relasyon ang pinag-uusapan.

Tama lang naman ang ginagawang pananahimik ngayon ni Matteo kapag inuurirat siya kung bakit sila humantong ni Maja sa hiwalayan. Samantalang siya itong unang nagpangalandakan na nu’ng wala pa siya sa showbiz ay crush na talaga niya ang magandang young actress. Kung si Matteo man ang totoong may kasalanan sa kanilang hiwalayan, wala rin namang masasakit na salita kontra sa kanya na pinapakawalan si Maja.

Mayroon na ring mga bagong nagpaparamdam ng panliligaw kay Maja, pero kasisimula lang niya ng bagong teleserye, kaya nakatutok muna siya sa career. Sayang nga lang, dahil nasimulan na ng leading man niya sa teleserye na si Enchong Dee ang pagdiskarte kay Julia Montes at hinihintay ng guwapong actor na mag-eighteen si Julia sa March. Kung nagkataon, dahil libre ngayon si Maja ay puwede sanang maging sila. Crush din kasi ni Enchong dati si Maja.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: