Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 15, 2012

MARTIN NIEVERA Muling GUMANDA ANG IMAHE DAHIL SA X-FACTOR!!!


POSITIBO ANG dating para kay Martin Nievera ng mga nangyayari ngayon, na walang katapusan siyang ipinagmamalaki ng mga nanalo at talunang sumali sa X-Factor Philippines ng ABS-CBN na kanyang mga tinutulungan noon, na ang ibang taga-malayong probinsiya ay sa kanyang mala-king bahay na lang muna pinatira hanggang ngayon.

Nagkukuwento talaga ang kanyang mga tinulungan, dahil kahit sila ay hindi makapaniwala na ang isang sikat na katulad ni Martin ay may ganu’ng ginintuang puso.

Nagkaroon kasi ng hindi magandang imahe tungkol kay Martin, ganu’n na rin sa kanyang ex-wife na si Pops Fernandez, na diumano’y ang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang pareho nilang ugali ng kakuriputan. Mayroong pagtatanggol, na hindi raw kuripot si Martin, kundi masinop lang ta-laga sa pera. Umasta lang na parang mayabang si Martin, dahil ganu’n lang siya. Pero marami pa rin talaga ang hindi nakaka-kilala sa kanya, para pag-isipan siya nang mali.

Naglalabasan na rin lang ang mga patotoo tungkol sa kabaitan ni Martin, magdadagdag na rin ako ng kuwento. Noong year 2002 na kasalukuyan pa akong nagpapagamot ng karamdamang kanser sa Philippine General Hospital, nagpasaya si Martin ng napakaraming pas-yenteng may kanser, dahil isang gabi ay nag-concert siya nang libre. Ang dami niyang kinanta, dahil nakikita niyang naaaliw ang mga nanonood na pasyente. Libre iyon, walang promo, kaya hindi alam sa showbiz na ang lihim na kabutihan ni Martin ay nakapagpapasaya talaga ng mga simpleng tao.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: