Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, October 12, 2012

MARKKI STROEM Pasok na Din sa Listahan Nang Possibleng Gumanap Na CAPTAIN BARBELL!!!

Habang dumadaanang mga araw, ay lalong nagiging exciting ang mga listahan nang mga pinag pipilian na gumanap na Capatain Barbell. Nauna nang lumabas ang pangalan ni Gerald Anderson, pero dahil mag kakaroon na siya nang ibang soap na kung saan makakasama niya si Cristine Reyes, ay nawala na din ang pangalan nito sa listahan.

Lumabas din ang pangalan nang Kapatid Star na si JC De Vera, na nakatakdang mag expire ang contract sa TV5 sa May 2013. Ganumpaman ay hindi naman siya exclusive talent, kaya pwede pa din siya mag trabaho sa ibang network, aslong as walang masasagasaan na trabaho sa TV5.

Lumabas din ang pangalan nina Joseph Marco at Martin Del Rosario na parehas naman exclusive talents nang ABSCBN. Nakatakdang matapos ang teleserye ni Martin Del Rosario sa susunod na buwan. Kaya libre siyang gumanap bilang Captain Barbell, dahil sa susunod na taon pa naman ito ipapalabas. Samantalangsi Joseph Marco ay kasama sa upcoming teleserye nang ABSCBN na AGAINST ALL ODDS., ngunit support role lang naman siya dito at pwedeng i-pull out anytime, lalo na kung Leadrole ang gagampanan niya.

Samantalang ngaun naman isa pa din Kapamilya talent ang lumabas sa listahan, Ito ay ang COSMOPOLITAN Hunk na si MARKKI STROEM. Napansin siya nang nagpakitang gilas sa naka raan Cosmo Bash. Binansagan din siyang newest BUKOL KING dahil sa laki nang hinaharap niyang pinamalas sa mga nanood nang show.

Huling napanood si Markki sa teleseryeng WAKO WAKO. Kaya naman hindi na bago sa kanya ang pag arte. Lumabas na din siya sa ilang mga theater plays, na kung saan nag lead role na din siya.

Ano masasabi ninyo sa balitang ito?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: