Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

MARIAN RIVERA Gustong Gawin Ulit Ang DYESEBEL!!!


Napaka-suwerte ni Marian Rivera. Ni walang masamang reaksiyon sa kanyang pangangatawan ang madalas na pagkain niya ng chocolates. ’Di siya katulad ng napakaraming babae na nagtitiis na hindi makatikim ng tsokolate dahil baka sila tumaba.

“Sa akin naman pampagising lang ang pagkain ng chocolates. Pero talagang hindi ako tabain, bihira nga akong mag-diyeta,” pagmamalaki ng reyna ng primetime ng GMA.

Memorable kay Marian ang Dyesebel. Kung may ire-revive siyang movie, ito ang gusto niya.

“Dahil dito nangyari ang lahat,” pag-amin niya tungkol sa pinagsimulan ng relasyon nila ni Dingdong.

Muli ay gumagawa ng teleserye para sa GMA ang aktres. Ito ang Temptation of Wife na kung saan maghihiganti sa pagmamaltrato sa kanya ni Dennis Trillo na gumanap bilang asawa niya pero na-deve­lop sa iba at nagtaksil sa kanya.



SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon)

No comments: