Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

LANI MERCADO Sinamahan Ang Anak Na Si GIANNA BAUTISTA REVILLA Na Mag Audition Para Sa TGIS!!!


Nag-audition sa T.G.I.S. ang Top 6 ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break at nakasama pa nilang mag-audition si Japs de Leon. Si Jeric Gonzales, si Zandra Summer ang nakapareha sa audition at sina Thea Tolentino at Mikoy Morales ang pinagpareha.

Hindi namin natanong si Elle Ramirez kung sino ang kaeksena sa audition, pero si Ruru Madrid, ang anaknina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na si Gianna Bautista o Revilla ang kaeksena. Kasama pa raw ni Gianna ang ina sa audition.

Kundi November, December na ang TGIS, may paglalagyang show na ang mananalo sa Protégé at pati ang hindi mananalo. Kung tutuparin ni Atty. Annete Gozon-Abrogar ang ipinangako kay Ruru, isasama raw niya ito sa Mariposa nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na ikinatuwa ni Ruru dahil crush niya si Barbie.

Ang isa pang alam naming nag-audition sa TGIS ay si Gab de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: