Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 15, 2012

Kaya raw hindi nabibibigyan ng teleserye Rosanna Roces, umaasta pa ring sikat?!


TALAGANG HINDI napag-ingatan ni Rosanna Roces kung anuman ang pagbabago at naging magandang kapalaran niya sa showbiz nu’ng panahong sumikat siyang talaga. Napakataas ng pride ni Osang, at ayaw niyang pinakikialaman siya. Pero kung kaya mo siyang pagsalitaan, masasabi mo talaga sa kanya na mayroon talagang naging malaking pagkakamali sa pagdadala niya ng kanyang kasikatan, ganu’n din sa kanyang naging pakikisama sa mga nakasalamuha niya nu’ng nagsisimula siyang mag-artista hanggang sa sumikat siya.

Nasaksihan ko si Rosanna nu’ng nagsisimula na siyang sumikat. Naranasan ko rin na pagpakitaan ni Osang ng kanyang kabaitan. Kaya may mga panahong mahal at naiintindihan ko si Osang kapag dinidikdik siya ng mga intriga. Kung papaanong mayroon ding mga panahong hindi ako naaaliw sa kanya, dahil parang nagiging kakaiba siya.

Maraming kinabahan sa mga dating nakasama ni Rosanna sa Seiko Films noon, dahil parang yumayabang siya at lalong nagiging mataray nu’ng nararamdaman na niyang sikat na sikat na siya. Kaya baka raw hindi magtagal ay malaos din siya.

Marunong magtiis si Rosanna ng kahirapan, pero hindi niya ikahihiyang malaman ng mga tao na nagigipit na rin siya. Kasi nga, nakapag-ipon naman talaga siya ng pera nu’ng kanyang kasikatan. Kaya lang, nauubos din iyon, dahil kokonti na nga ang kanyang kinikita. Magaling siyang aktres, pero pinagtataasan ng kilay kung dapat ba siyang isama lagi sa mga teleserye, dahil umaasta pa raw kasi si Osang hanggang ngayon, na para bang sikat na sikat pa rin siya.


c/o PINOY PARAZZI

No comments: