Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

KARYLLE Handa Nang Makatrabaho Ulit Si DINGDONG DANTES!!!


Magbibida si Karylle sa stage play na Rama, Hari na mapapanood sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Theater mula Nov. 30 hanggang Dec. 9.

Makakatambal ni Karylle sa nasabing proyekto si Christian Bautista. Enjoy talaga si Karylle sa paggawa ng stage play lalo pa’t isa itong pop ballet musical.


“Siguro kasi when I was younger I really danced ballet that is also held in the theater so it’s my first home. It’s where I really feel most comfortable talaga,” nakangiting bungad ni Karylle.

Samantala, bukas din ang dalaga sa posibilidad na magkatrabaho sila ng dating kasintahan na si Dingdong Dantes kung mabibigyan ng pagkakataon.

“For me naman kasi we worked together in Bench (fashion show) so, hindi ko naman masasabi na nili-limit ko ang sarili ko in a way. Ayoko namang pilitin na ako pa ’yung mag-i-start pero kung dumating na ’yung panahon I always say that I don’t limit myself pagdating sa ganyan,” makahulugang pahayag ng aktres.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: