Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

Julia Montes pinagsabihan si Kathryn Bernardo, Daniel Padilla binilinang 'wag mananakit!


Kahit madalas na pinagtatapat sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, wala naman talagang naging problema sa pagitan ng dalawa. Sa katunayan, masaya ngayon si Julia sa tagumpay na tinatamasa ni Kathryn sa Princess and I.

“Siyempre masaya ako bilang ate at best friend niya. Tulad nga ng sinabi ko noon, nung simula pinagka-clash kami pero hindi talaga kami magka-clash dahil magkaibigan kami at nakita n’yo naman na puwede naman parehong maging top rating ’yung soap nang hindi kami nagka-clash,” nakangiting pahayag ni Julia.

Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay nagbibigay din ng payo si Julia kay Kathryn.

“Basta, sabi ko sa kanya, dapat alam mo ’yung limitations. Puwede maging happy pero ingat lang sa puso bilang ang heart ay mahirap ma-break.

“Sinabihan ko si Daniel (Padilla) na huwag sasaktan si Kathryn. Hahaha! Hindi, nakatrabaho ko si Daniel sa Gimik 2010, siya ’yung love team ko dun. And kilala ko siya, mabait and talagang sweet. Wala akong anything against sa kanya,” giit pa ni Julia.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: