Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

JUDY ANN SANTOS Pinili si John Lloyd Cruz Na Maging LeadingMan sa Susunod Nitong Movie. Pagsasamahan Nilang Movie Ni Piolo Pascual Tinanggihan!!!


FANS OF Judy Ann Santos and Piolo Pascual will surely be disappointed with this item.

May nakapagtsika kasi sa amin na hindi nagustuhan ni Juday ang iprinisintang script sa kanya ng Star Cinema para sa next movie niya kasama si Papa P. With this, hindi matutuloy ang inaabangang pagsasama ng dalawa sa isang project.

Actually, dalawang script daw ang ipinadala kay Juday, one with Piolo and one with John Lloyd Cruz. Apparently, she liked the story of the script with John Lloyd.

When an Instagram photo of Piolo and Juday made it to cyberspace, mara-ming fans nila ang nagkaroon ng renewed hope na magkakatrabaho silang muli. After all, it’s been a good six years since they last worked together. Silang dalawa ang bida sa Don’t Give Up On Us na ipinalabas nong 2006.

Talking about Piolo, malakas pa rin pala ang hatak ng binata sa fans. Isang kaibigan namin, si Charlie Mesa, Jr., na nagtatrabaho sa Bench sa Robinson’s Place Manila, ang nagtsika sa amin na ang Pure Passion by Piolo ang pinakamabili pa rin among the celebrity scents.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: