Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

JUDY ANN SANTOS: lagi sila nag-number one sa filmfest, tapos ngayon, mag-number two, tiyak ako ang dahilan."


LAST shooting day na kahapon ng Si Agimat, Si Enteng at si AKO na kinunan sa Batlag Falls sa Tanay.

Kahit nag-uulan, tuloy pa rin sila sa pag-shooting. Medyo hirap pa ang mga artista at production staff dahil maputik at madulas ang ibang daan pero tuloy pa rin sila.

Maagang dumating si Vic Sotto at sumunod ang bagong Eat Bulaga darling na si Ryza Mae Dizon.

Maingat si Bossing sa pagsagot sa mga perso­nal na isyu. Wala ka talagang makukuha sa kanya kapag lovelife ang pinag-usapan.

Basta, masaya lang daw siya lagi, at tingin niya, mas masaya siya sa darating na Pasko dahil nadagdagan na naman siya ng apo.

"Gusto ko, mas marami, mas masaya," pahayag ni Vic.

Naikuwento na lang niya na isa sa nagpapasaya sa shooting nila ay ang batang si Ryza Mae.

"Nakakatuwa siya, kasi, ang gusto lang niya, magkaroon ng sarili niyang artista chair para maramdaman daw niyang artista na siya talaga," kuwento ni Vic.

Kaya niregaluhan daw ni Judy Ann Santos si Ryza ng maliit na parang director's chair na kasyang-kasya sa bata.

"May nabili kasi ako noon na mga maliliit na director's chair. Nakita ko hirap na hirap siyang umupo sa mono­block, hindi siya makapagpahinga.

"Naalala ko, marami akong maliit na upuan na hindi naman nagagamit sa bahay, binigay ko sa kanya ang isa. Tamang-tama naman sa kanya, kasyang-kasya talaga sa kanya," pahayag ni Juday.

"Ayon, masaya na siya, parang naramdaman na niya na artista na siya talaga," dugtong ni Bossing Vic.

Niregaluhan naman ni Sen. Bong Revilla si Ryza Mae ng iPad na ikinatuwa rin ng bagets dahil meron na itong napapaglaruan.

"Wala 'yun, Natuwa lang ang bata na magkaroon siya ng iPad, kaya binigay ko na lang sa kanya," pakli ni Sen. Bong.

Aminado si Juday na pressured siya sa pelikulang ito dahil matitindi ang mga kalaban.

"Pressured talaga. Kasi, 'pag mag-number two 'to, malamang ako ang dahilan, 'di ba?" bulalas ng aktres.

"Kasi, lagi sila nag-number one sa filmfest, tapos ngayon, mag-number two, tiyak ako ang dahilan."

Kampante sina Sen.Bong at Bossing Vic sa kanilang pelikula dahil maraming bagong mapapanood sa adventures nina Agimat at Enteng.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: