Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

JUDY ANN SANTOS at RYAN AGONCILLO Magbabakasyon Sa Ibang Bansa.. Para Makapag Second Honeymoon!!!


Pagkatapos nitong shooting ay magbabakasyon sa ibang bansa ang pamilya nina Juday at Ryan Agoncillo dahil matagal na silang walang bakasyon sa dami ng trabaho nila.

Ise-celebrate na rin nila ang 60th birthday ng mommy ni Ryan kaya excited sila sa bakasyong iyun.

Magkakaroon pa ng bonding moments sina Juday at Ryan sa susunod na buwan dahil kasama si Juday sa show ng Eat Bulaga sa London sa November 17.

Si Juday ang isa sa special guests at kasabay na rin ang bakasyon nilang mag-asawa.

Doon na kaya nila susundan si Baby Lucho?

"Napag-usapan namin din 'yan ni Ry, pero bahala na. Kung ibibigay, ibibigay talaga ng Diyos 'yan.

Kung para sa amin, para sa amin," natata­wang sagot ni Juday.

Gusto na sana nilang masundan si Baby Lucho at tama na raw na meron silang tatlong anak.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: