Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, October 19, 2012

JODI STA. MARIA at RICHARD YAP Mag ko-Concert sa Metro Bar!!!

Bukod sa daily dose of good vibes at kilig, mas kaabang-abang daw ang mga susunod na episode ng Be Careful With My Heart dahil sa closeness nina Maya at Sir Chief.

Samantala, dinagsa ng 6,000 fans ang Kapit-Bisig Day na ginanap sa Festival Supermall, Alabang. Dinaluhan ito ng Be Careful With My Heart cast members kabilang sina Jodi, Richard, Tart Carlos, Vivieka Vivieka, Mutya Orquia, Jerome Ponce, Janella Salvador, at JM IbaƱez. Ang official soundtrack ng no.1 daytime teleserye ng bansa na ipino-promote sa mga ‘Kapit-Bisig Day’ ay nag-no.1 kamakailan sa overall at OPM category ng latest Astroplus/Astrovision nationwide sales chart.

Patuloy na sundan ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento nina Sir Chief at Maya sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45 a.m., bago mag-It’s Showtime, sa Primetanghali ng ABS-CBN. Samantala, mapapanood naman ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind tuwing Sabado, 10:00 a.m., bago mag-It’s Showtime.

At dahil dito ay magkakaroon ng special show sina Sir Chief at Maya na may titulong Richard & Jodi sa December 8 (Sabado) sa Metro Comedy Bar with guests Joy Viado, Tart, Vivieka, at Arjo Atayde produced by Sylvia Sanchez ng RRRJ Productions.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: