Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

JASON ABALOS Enjoy Na Hiwalay Na Kay JEWEL MISCHE


Makakasama ni Jason Abalos sa independent film na Death March sina Sam Milby at Zanjoe Marudo. Ayon kay Jason ay kakaibang karanasan ito para sa kanya.

“Wala akong leading lady dito kasi puro lalaki lang dun. May mga foreigner pa na artista. Ang maganda dun, sa studio lang kami. Masaya lang sa set kasi sobrang kulit lang kapag shoot namin. Unang-una sa lahat, walang hassle kasi nasa studio lang kami ’tapos may special effects, masaya lang dun,” kuwento ni Jason.

Hindi nahirapan ang binata sa paghahanda para sa kanyang role sa nasabing pelikula dahil sa karanasan ng kanyang sariling lolo noong panahon ng giyera.

“Actually, wala ako masyadong research na ginawa kasi ’yung lolo ko noong bata pa kami, kuwento nang kuwento tungkol sa mga nangyari noong panahon ng Hapon. So, alam ko na kung ano na ’yung mga nangyayari noon bago ko pa nabasa script. Medyo may idea na ako sa naranasan ng mga soldier gaya ng character ko,” dagdag pa ng aktor.

Pinagbubutihan daw talaga ni Jason ang kanyang trabaho mapa-mainstream man ito o indie film.

“Depende sa character ko. Depende kung paano ko atakihin ’yung kailangang gawin ng character mo. Walang formula ’yan, hindi pare-parehas. Kaya dapat talaga intindihin mo ’yung role mo,” paliwanag ni Jason.

Samantala, kamakailan ay nagkahiwalay na sila ng kasintahang si Jewel Mische at ngayon ay masaya ang binata sa pagiging available.


“Happy naman, wala akong dine-date ngayon. Wala talaga, promise,” matipid na sagot ni Jason.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: