Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

JAMES YAP PAPASOK NA SA SHOWBIZ!!!


Nagkaroon naman ng celebrity screening ang Tiktik: The Aswang Chronicles na ginanap sa Cinema 2 ng Greenbelt 3 kamakalawa ng gabi at isa sa unang dumating para panoorin ito ay si James Yap.

Inamin ng basketbolista na may mga alok sa kanyang pasukin ang pag-aartista pero hindi raw niya alam kung kakayanin niya.

Magpapaalam pa raw siya sa team niya kung papayagan ito at saka niya pag-isipan kung susubukan niya ang showbiz.

“Baka mahirap eh, pero try natin. Hindi ko alam eh, mukhang mahirap eh,” pahayag nito.


Ang isa raw sa tingin niyang mahirap ay ang mga intriga lalo na’t kung merong mali-link sa kanya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: