Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

JACYLN JOSE NAGULAT SA MGA LOVE SCENE NI ANDI EIGENMANN!!!


\BAGAMA’T nabigla din daw si Jaclyn Jose sa sobrang pagiging daring ng anak na si Andi Eigenmann sa kanyang love scenes with Derek Ramsay in A Secret Affair, she chose to react otherwise nang tanungin ng huli kung ano’ng comment niya nang ipalabas na ang trailer ng pelikula sa mga sinehan at telebisyon.
She had to assure Andi that she did just right. Her role called for her to do those scenes kaya dapat lang na kanyang gawin.

Nakatawa si Jaclyn, nang sabihin niyang at 20 something and now a mother herself, her daughter still remains a child at heart.

“Very dependent pa rin siya sa akin,” ani Jaclyn. “Sa akin pa rin siya at si Elle (Andi’s baby) nakatira.

At ayaw pa ring sumosyo sa mga bayarin sa bahay tulad ng kuryente, tubig at pagkain. Katuwiran niya, anak ko pa rin daw siya.”

Pero ang ikinatutuwa daw niya kay Andi, she knows where to put her earnings. With her advice, of course, may hinuhulugan itong condo unit.

“Malapit na rin niyang mabayaran ang hinuhulugang kotse at ’di ko puwedeng sabihin na ’di siya ang nagpapasuweldo sa driver at yaya ng anak.

“’Di ko na kailangang sabihin na kargo na nito ang pagbabayad sa kanila. Pero sa mga gamit at pangangailangan ni Elle, kailangan pa ring kahati si mommy,” susog pa ni Jaclyn, na nakatawa pa rin.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: