Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

Inggit daw kay Kim Chiu Cristine Reyes, nagpaayos ng ilong?!


IBINULGAR NI Ara Mina na kaya raw nagpagawa ng ilong si Cristine Reyes ay dahil inggit na inggit ito sa ilong ni Kim Chiu. “Tama ba namang mainggit ka sa iyong kapwa kung maayos ang takbo ng utak mo?” Balik na tanong sa amin ni Ara nang makausap namin ito nang personal.

Sabi ni Ara, bata pa raw ay sakit na ng ulo ni Cristine ng kanilang pamilya pero mas lumala ngayon. “Feeling ko nga talaga, hindi na normal ang takbo ng utak niya. Imagine feeling niya yata, siya na ang bumubuhay sa amin. Kung mura-murahin kaming lahat dito ay talagang nakakakilabot,” sundot pa ni Ara.

Panahon na raw para kastiguhin si Cristine dahil napakahaba na ng sungay nito. “Sobra na pati sarili niyang ina kung mura-murahin parang hayop na walang isip at damdamin. Kung titingnan mo, ang amo-amo ng mukha niya, pero deep inside, sobrang sama ng ugali niya. Dapat hindi ako magsasalita nang ganito dahil magkapatid kami. Pero kung alam lang niya kung ano ang kanyang mga pinaggagagawa ay masasabi n’yong tama lang ang aking ginagawa.”

Sa pagtatapos ni Ara, mariin niyang sinabi na dapat ay kastiguhin si Cristine dahil sa masama nitong ugali. Pero paano raw makakastigo ang nakababatang kapatid gayong ang kanilang ina ay harang nang harang sa tuwing magtatangka siyang bigyang-aral ang nakababatang kapatid. “Bata pa lang iyan, madalas nang napapatawag sa guidance si Mommydahil nu’n pa lang, hindi na normal ang takbo ng utak ng taong ‘yan. Mas lumala lang ngayon na ang feeling niya ay sikat na sikat na siya,” pagwawakas ni Ara sa Pinoy Parazzi.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: