Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 18, 2012

Hubaran, uso sa mga aktor ng KAPUSO... Jake Vargas Mag Huhubad Na Din!!!



Uso sa Kapuso male stars ang naghuhubad sa soap na kanilang nilalabasan. Ginagawa ito ni Aljur Abrenica sa Coffee Prince, gagawin nina Rafael Ro­sell at Dennis Trillo sa Temptation of Wife at gagawin ni Jake Vargas sa Cielo De Angelina.


Hindi nahirapan si director Omar Deroca na kumbinsihin si Jake na mag-topless dahil kailangan sa eksena at kahit walang abs, maganda ang katawan ng young actor at bagay sa height niya.

Masaya si Jake na may soap na uli siya dahil matutuloy na ang plano niyang magtayo ng computer shop sa Olongapo City. Magsisimula siya sa 10 units ng computer at dadagdagan niya ‘pag patuloy ang dating ng trabaho.

Sa Monday, October 22, bago mag-Eat…Bulaga ang time slot ng Cielo De Angelina na produced ng GMA Films for GMA 7. May special participation sina Jillian Ward as the young Bea at Ms. Gloria Romero.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

#CieloDeAngelina October22 na! excited for this! Goodluck sa lahat ng casts/crew! produced ng GMA Films for GMA 7 :) Positive Vibes! :)