Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 18, 2012

HIRO MAGALONA: MAPANSIN NA SANA AKO


DEADMA lang ang mag-inang Carina at Bea Binene sa dine-demand na public apology ni Atty. Ferdinand Topacio. Tahimik lang ang mag-ina at anila, ipinababahala na nila sa kanilang abogado at sa GMA ang hakbang na kailangang gawin.

Mas focused si Bea sa bago niyang morning show, ang “Cielo de Angelina” na malapit nang mapanood sa Kapuso Network. Reunited sila ni Jake Vargas na huli niyang nakasama sa teleseryeng “Alice Bungisngis and her Wonder Walis.”

Kasama rin sa “Cielo de Angelina” si Hiro Magalona na nakatrabaho nila sa defunct youth-oriented show, “Reel Love Presents: Tweenhearts.” Mukhang nagpe-pay off ang paghihintay at pagtitiyaga ni Hiro dahil maganda ang role niya sa CDA. Ka-love triangle siya nina Bea at Jake. Wish lang ni Hiro na mapansin na siya rito para mabigyan na rin siya ng lead role sa mga susunod niyang projects sa GMA.

Ang co-Tween stars niyang sina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin ay may kanya-kanyang projects. Si Derrick ang love interest ni Barbie Forteza sa “Mariposa,” samantalang ayon sa manager ni Kristoffer, inaayos na ang next project nito after “Luna Blanca (Ikalawang Yugto)” kung saan nakasama ni Kristoffer sina Bea, Barbie at Derrick.

1 comment:

Anonymous said...

#CieloDeAngelina October22 na! kaabang abang talaga!.. Lahat ng artista ay may chance wag lang magmadali! :) Like BEA & JAKE! They good people tlaga, kea may blessings tlga na dumarating!.. Lahat ng Tweens may potential just wait lang!.. //. GodBless!