Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

HIRO MAGALONA Ayaw Kilalanin Ni PIA MAGALONA!!!


DEADMA NA lang daw ang young actor at ang bagong ka-lovetriangle ng Jabea (Jake Vargas at Bea Binene ) sa upcoming morning soap ng GMA 7 naCielo De Angelina na si Hiro Magalona sa isyung ayaw siyang kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona at nakiki-ride on lang ito sa mga Magalona sa paggamit nito sa apelyido.

“Ayaw ko na lang pong pansinin ‘yun, kasi kahit naman pagbali-baliktarin, Magalona pa rin ako. Bale ang full name ko ay Hiro Jhennel Magalona Peralta.

“Kamag-anak ng mama ko si Tito Francis Magalona, kaya totoong Magalona ako. Nakikita ko nu’ng bata ako na pumupunta sa mga gatherings ng family namin sina Tito Francis at Lolo Pancho.

“Pero kung ‘di nila ako kikilalanin bilang kamag-anak, okey lang po ‘yun, wala namang problema, hindi big deal sa akin ‘yun.

“Basta ang mahalaga sa akin, hindi ako pinababayaan ng GMA 7 at binibigyan nila ako ng trabaho. Like ito ngang Cielo de Angelina, kung saan ka-lovetriangle ako rito nina Jake Vargas at Bea Binene.”

Bukod sa nasabing soap na magsisimula nang mapanood sa Lunes, Oct. 22 ng 11:30 ng umaga, napapanood din si Hiro sa Walang Tulugan With The Master Showman tuwing Sabado ng madaling-araw at isa rin siyang Regal Babies ng Regal Films.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: