Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

Hayden Kho Jr. Gusto Na MAGKA ANAK!!!!


SERYOSO si Hayden Kho Jr. nang nakausap namin kahapon sa presscon ng ZO Skin Health kung saan siya ang Operations Manager ng ZO, ang bagong produkto ni Dr. Sein Obagi.

Ang sabi ni Hayden, mas alam na niya ngayon ang tinatahak niyang buhay at alam na rin niya ang priorities niya.

"Actually, ang gusto ko ngayon, magkapamilya na. Ang problema lang, wala pa eh," pahayag ni Hayden.

"Hindi pa naman ako naghahanap, hinaha­yaan ko na lang na dumating siya.

"More than that, gusto ko na talaga magkaanak, eh. Sayang naman,
ipon ako nang ipon, wala pa naman akong pinaglalaanan.

"Sayang naman ang lahat na pinaghandaan kung wala namang susunod sa akin."

Si Dra. Vicki Belo ang itinuturing niyang isa sa malalapit niyang kaibigan at nagbibigay ito ng payo sa kanya, at sinusunod niya ito.

Sa ngayon ay masaya siya sa kanyang trabaho sa ZO Skin Health at nakabalik siya sa showbiz, dahil ginagawa pa rin niya ang pelikulang The Bride, The Lover sa Regal Films.

Pero mas na-prioritize niya ang trabaho niya at ang iba pang negosyong nasimulan niya.

Partner sina Hayden at Zsa Zsa Padilla sa pag-promote ng ZO Skin Health dahil ini-endorse ng singer/actress ang ZO Line.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: