Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

GMA NETWORK Executives Nataranta Sa Pasabog Nang Isang Baguhan Actress Sa Presscon Nang Cielo De Angelina!!!



SEEN : Masaya si Lovi Poe dahil nagkita sila ng kanyang ‘kapatid,’ si former MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares sa celebrity screening ng Tiktik: The Aswang Chronicles sa Greenbelt Cinema noong Martes.

SCENE : Si James Yap sa celebrity screening ng Tiktik: The Aswang Chronicles.

Business partners sina James at Dingdong Dantes.

May restaurant sila sa Makati City.

SEEN: Dalaga na si Ysa, ang lovechild ni Phillip Salvador sa dating starlet na si Vivialyn Dungca.

Pang-showbiz ang ganda ng anak nina Phillip at Vivialyn.

SCENE: Mas natural ang acting ni Xian Lim kesa kay Enchong Dee sa mga eksena nila sa Ina, Kapatid, Anak.

SEEN: Pinabulaanan ng kampo ni Congressman Manny Pacquiao na nagpapabaya ang Pambansang Kamao sa boxing training niya para sa laban nila ni Juan Manuel Marquez sa December 8.


Lilipad si Pacquiao sa Los Angeles sa October 27 upang ipagpatuloy doon ang kanyang training.

SCENE: Big deal para sa Filipino models at designers ang mga litrato ng Filipino model na si Ram Sagad sa pahina ng US edition at November 2012 issue ng Men’s Health.

SCENE: Sa 2013 pa ang airing ng Apoy Sa Dagat, ang primetime show ng ABS-CBN na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Piolo Pascual, at Diether Ocampo.

SEEN : Ang statement kahapon ni Bea Binene sa presscon ng Cielo De Angelina na exclusive contract star siya ng GMA Artist Center ng GMA 7. Kontra ang statement ni Bea sa kuwento ni Bianca King na sila nina Bea at Alden Richards ang mga talent ng ICONS Talent Management Agency kaya magagandang roles ang ibinibigay sa kanila.

SCENE: Nataranta ang mga executive ng GMA 7 nang sabihin ng isang baguhang aktres sa presscon ng Cielo De Angelina na discovery siya ng ICONS Talent Management Agency.



c/o SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon)

No comments: