Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

Gloria Diaz: Isabelle Daza at Dingdong Dantes, walang relasyon




Pinabulaanan ng dating beauty queen at aktres na si Gloria Diaz ang balitang may romantikong relasyon ang kanyang anak na si Isabella Daza sa Kapuso leading man na si Dingdong Dantes.

"She's not the type to ever get somebody else's boyfriend. Hindi siya ‘yong tipong ganun na nang-aagaw," pagdiin ni Ms. Gloria sa ulat ni Audrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules.

Nauna nang napaulat na nagkakalabuan na sina Dingdong at kasintahan nitong si Marian Rivera dahil may iba na raw minamahal ang binata.

Pero mariin naman itong itinanggi ni Dingdong at iginiit na lalo pang gumaganda ang relasyon nila ng Kapuso primetime queen.

Hindi nga raw malaman ng aktor kung saan nanggagaling ang mga balitang mayroon siyang ibang babae.



"We're very okay and in fact, we've never been this happy so confident naman kami sa relationship namin that we're stronger now than even we were before," ayon kay Dingdong.

Dating nagkatrabaho sina Isabelle at Dingdong sa isang endorsement project ngunit walang namamagitan sa kanilang dalawa.

Samantala, masaya naman ang aktor dahil ginawaran ng Rated PG ng MTRCB ang kanyang pinagbibidahang pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Kasama rin nito Dingdong ang mga kapwa Kapuso stars na sina LJ Reyes at Lovi Poe.

"Masuwerte kami na nakuha namin ang PG rating dahil ibig sabihin pwede siyang panoorin ng bata basta kailangan kasama yong isang adult o isang magulang," pahayag ng aktor.

Sa kabila ng pagiging busy sa mga proyekto, nagagawa pa rin naman ni Dingdong na gampanan ang iba niyang tungkulin sa labas ng showbiz.

Nitong Martes, dahil dati siyang ambassador ng National Youth Commission, naging panauhin si Dingdong ng E. Rodriguez High School para sa kanilang pagdiriwang ng National Teachers Month.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: