Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Glaiza De Castro Ni-Reject Ang Pakikipagbalikan ni Felix Roco!!!


Isa sa mga isyu na klinaro ni Glaiza de Castro nang huling humarap siya sa media para sa promos­yon ng teleserye niya sa GMA 7 ay ang sinasabing balikan nila ng ex niyang si Felix Roco.

Sinabi ng aktres na matagal ding nabakante after Biritera na marami ang magugulat sa bago niyang teleserye dahil all out siya sa pagpapa-sexy rito. Talagang without even trying ay sinasabing tatal­bugan niya ang co-star niyang si Marian Rivera hindi lamang sa pagpapakita ng kanyang cleavage kundi sa mga pagganap ng mga love scenes nila ni Dennis Trillo.

“Hindi naman ganun ka-heated ang mga eksena. TV ‘yun at hindi pelikula, we can only do so much,” anang aktres na nabigyan nga ng pagkakataon na makabalikan ang kanyang ex na si Felix Roco but decided to focus on her career than her lovelife.

“Nagkita lang kami at nagkaayos pero, walang balikan na naganap. We both decided on it. Wala akong masasabing masama against him pero, hindi na lang talaga kami nagbalikan,” sabi ni Glaiza.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: