Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

GLAIZA DE CASTRO Nanginig Ang Laman, Kay DENNIS TRILLO!!!


FIRST daring role ever ni Glaiza de Castro sa “Temptation of Wife“ where she plays Heidi. Marami siyang intimate scenes with Dennis Trillo at aniya, sobrang kinabahan at nanginig siya noong unang kunan ang mga eksena nila. Nahalata nga raw siya ni Dennis at ng direktor nilang si Dominic Zapata.

“Inisip ko na lang, trabaho ang ginagawa namin at kailangang incharacter ako. Kailangang isipin kong ako si Heidi, isang babaeng sobrang in love kay Marcel (Dennis Trillo) at masyadong aggressive sa pagmamahal sa kanya. Isa akong babaeng palaban dito at noong nabasa ko ang script, alam kong marami kaming kissing scenes at love scenes ni Dennis,“ wika ni Glaiza nang nakausap ng Tempo sa presscon ng TOW.

Hindi ba naman niya naramdamang nag-take advantage sa kanya si Dennis? “Ay, never! Sobrang gentleman siya at maalaga siya. Ayaw naman namin ‘yung sobrang halikan na bastos ang dating, kaya hinahaluan namin ng humor para mabalanse.“

Masarap bang humalik si Dennis? “Ay, ayokong sagutin ‘yan (laughs). Basta nagulat ako sa sarili ko sa intimate scenes namin. Hindi ko akala ing kaya ko palang gawin.“

May dapat bang ipagselos si Bianca King? “Naku wala! Trabaho lang ang ginagawa namin ni Dennis. Alam kong naiintindihan ‘yon ni Bianca dahil artista rin siya.“

Eh, sa parte niya, may dapat kayang magselos? “Naku, lalong wala! Wala akong lovelife ngayon,“ sambit ni Glaiza.

Itinanggi niyang nagkabalikan sila ni Felix Roco. Aniya, nagkita lang sila, nag-usap and they both realized na mas mabuting magkaibigan na lang sila. Career muna ang focus niya, ani Glaiza.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: