Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 16, 2012

GLAIZA DE CASTRO Game Na Game Na Lumandi Kay DENNIS TRILLO

APAT na buwan ding nabakante si Glaiza de Castro sa regular series sa GMA. Huli siyang napanood sa Biritera although may occasional guestings naman siya sa network gaya ng I-Bilib.

Pero sa bago niyang programa na Temptation of Wife, muli niyang pahihirapan si Marian Rivera na huli niyang nakasama sa epicserye na Amaya. Mas malandi ngayon si Glaiza na ang makakaulayaw ay si Dennis Trillo.

“Willing naman akong makipaghalikan pero siyempre, TV pa rin ito. Controlled pa rin. Kasi nagawa ko na rin ito before. Ito na ang pinaka-sexy kong gagawin sa TV. Dito, mas doble,” sabi ni Glaiza nang bisitahin namin sa taping.

May love scene siya kay Dennis na hindi naganap sa una nilang pagsasama sa Biritera. Pero aniya, “Hindi naman namin gagawing malaswa, hahaha! Ayaw din naman kasi naming mangyari ’yung ganoon.”

Hirap nga siya sa character niyang mang-aagaw ng asawa lalo na’t sa gaya niyang walang lovelife ngayon.

“Wala nga! Wala talaga akong lovelife!” diin niya.

Itinanggi niyang nagkabalikan uli sila ng boyfriend na si Felix Rocco.

“Kiyeme lang ’yon! Wala na, wala na!” sabi ng aktres.

Pero nagkabalikan ba silang talaga?

“Nagkita lang! Hahaha! Hindi ko rin naman kasi sinasabing official na nagkabalikan, eh. Kasi, nagkita at nagkaayos. Tapos, ngayon, nag-decide na lang kami na huwag na lang. Wala naman akong masasabi against him. Ayoko namang magsalita nang masama, ’di ba? Hindi lang talaga,” rason niya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: