Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 18, 2012

Gina Pareño, PASOK SA TELESERYENG JUAN DELA CRUZ ni COCO MARTIN!!!

Gina Pareño as Nanay and Coco Martin as Alan in SERBIS.

Carbon copy ni Gina Pareño ang kanyang anak na si Janica Pareño kaya nang kailanganin sa nagtapos na teleseryeng Lorenzo’s Time, si Janica ang gumanap. Ayon kay Gina, pati laki ng boobs ay namana sa kanya ni Janica na gustung-gusto nang ipagpatuloy ang pag-aartista.

Samantala, ang buong akala ng marami na pahinga muna si Gina sa pagtatapos ng hit TV series na Lorenzo’s Time pero hindi pala dahil simula siya kaagad sa isang bagong teleserye ng Dos, ang Juan dela Cruz na tatampukan ni Coco Martin at pinamamahalaan ni Malou Sevilla.


Role ng isang manghuhula sa Quiapo, Manila ang gagampanan ni Gina at si Coco naman si Juan dela Cruz.

Bukod sa bagong TV series, may dalawa pang pelikulang tinatapos si Gina, isa sa APT Productions na pinagbibidahan nina Jose Manalo at Wally Ba­yola at kung saan din tampok sina Tirso Cruz III, Pokwang, at iba pa. Kasama rin si Gina sa pang-filmfest entry ng Star Cinema, ang One More Try na tampok na mga bituin sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, at Zanjoe Marudo mula sa direksiyon ni Ruel Bayani.

Dahil sa pagiging super busy ni Gina, hindi na siya halos nakakauwi sa kanyang bahay sa Tagaytay at madalas ay sa Parañaque house na lamang siya umuuwi.

“Masaya ako kung busy ako. Magkakasakit yata ako kapag walang ginagawa,” sabi ng batikang aktres.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: