Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

GERALD ANDERSON Sinugod Si MOMMY DIVINE SA SARAH G LIVE!!!


SAME source na nagsabi sa aking patuloy pa rin ang communication nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo through the kindness daw of Ge’s best friend na si Fred Payawan ang siya ring nag-text sa akin na nagkausap na raw nang masinsinan sina Mommy Divine and Gerald sa Sarah G Live.

Talaga raw sinadya ni Gerald ang nanay ni Sarah for a short talk.

Maganda naman daw ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap.

Hindi na raw ganoon ka-violent si Mommy Divine – kumbaga, disente naman daw itong humarap kay Gerald.

Mabuti naman kung gayon.

Aba’y natural na pakiharapan niya nang maayos si Gerald dahil baka layasan siya ni Sarah, ‘no!

Kahit ano naman sigurong pagsusungit ang gawin nito kay Gerald ay for sure dededmahin lang ng aktor dahil marespeto ang batang ito lalo pa sa mga babae. Much more nanay ng kanyang nililiyag.

Ha-hahaha! At nakapag-isip-isip din siguro si Mommy Divine na kailangang pakiharapan niyang mabuti ang lalaki dahil baka itanan pa nito ang kanyang dalaga.

Kailangan gamitan niya ng reverse psychology ang dalawa para hindi siya kalabanin, di ba?

Lalo na’t 24 years old na nga si Sarah at puwede nang isakripisyo ang lahat in the name of love.

Bahala siya – mawawalan siya ng breadwinner sa buhay nila. Ha-hahaha!

Kung totoo man ang balitang ito, bongga!

At kung anuman ang napagkasunduan at napag-usapan niya, sana ay positibo para sa dalawang stars natin.

Kasi nga, inaabangan ng mga tao kung matutuloy pa ba ang kanilang love affair. Hay naku!


c/o BANDERA

No comments: