Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

GEORGINA WILSON... UMAMIN NA NAG OFFER SA KANYA SI WILLIE REVILLAME!!!


KONTROBERSIYAL ang bagong 2013 Ginebra San Miguel calendar girl na si Georgina Wilson.

Nadawit kasi agad siya sa isang iskandalo with Superstar na si Nora Aunor.

Although, noon pa man kahit ‘di siya nago-all-out sa paglabas sa showbiz ay kontrobersyal na rin siya dahil girlfriend siya ng matinee idol that time na si Richard Gutierrez.

After her relationship with Richard, paunti-unti ay lumalabas na siya sa iba’t ibang TV shows gaya ng Wowowee at Showtime.

This time, ‘di na paaawat si Georgina sa tuluyan na niyang pagpasok sa showbiz.

Hindi tutol ang boyfriend niya for three years na si Borgy Manotoc na mag-artista siya.

Very supportive nga raw si Borgy at walang bawal-bawal.Tungkol sa pag-pose niya ng naka-two piece sa calendar, wala pa raw siyang alam na reaksyon si Borgy kasi hindi pa raw ito nakikita ng BF niya.

“Hindi siya masa-shock. Maha-happy ‘yun,” ngiti ni Georgina.

Wala pa raw silang plano ni Borgy na magpakasal, “Twenty six pa lang ako.

Everytime I get older naging mas malayo ang target age (for marriage) ko kasi lumalapit.

Dati, noong 21, 30 ‘yung target age ko.

Ngayon, baka 35 na. So, tingnan natin in four years kung ano ‘yung target age ko. Moving target siya.”

Knows naman ng marami na si Borgy ay anak ni Ilocos Sur Gov. Imee Marcos at ng sportsman na si Tommy Manotoc.

Hindi lang hitsura ng kanyang ina ang namana ni Borgy kundi ang pagiging kuripot daw ng mga Ilokano.

Ni walang masabi si Georgina na mamahaling regalo na binigay sa kanya ni Borgy sa tatlong taon na relasyon nila.

At kapag kumakain daw sila sa labas, doon sila kumakain sa mumurahing resto.

Okey lang naman daw ‘yun kay Georgina.

Kwento pa niya, until now ang 10 taon na Pajero car pa rin ni Borgy ang ginagamit na sasakyan ng apo ni ex-President Ferdinand Marcos.

Minsan ding naugnay si Georgina sa TV host na si Willie Revillame.

Natsismis noon na inalok siya ni Willie na maging regular co-host sa Wowowee pero natakot diumano si Georgina dahil plano siyang ligawan ng TV host.

Takot pa rin ba siya ngayon na makasama si Willie sa isang show? “Hindi na ako afraid kay Willie ngayon.

Pwedeng-pwede na akong maging host now. It’ll just come out kasi at the right time.

Noon kasi I was still young and I was still unsure of what I wanted to do and I think I’m very sure and now I know that, you know, I love what I’m doing now.”

Once and for all, niligawan ba siya ni Willie noon? “No, never. Malaki naman ‘yung age gap niya (sa akin).”

Hindi ba niya type ang mas mature na lalaki? “Ng ganoong katanda? Happy na ako sa age gap namin ni Borgy.

Three years, tamang-tama,” diin niya.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: