Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

Georgina Wilson Todo Ang Pagpapa-sexy Pero Walang Balak Mag-Artista!!!


Mas kilala siya bilang girlfriend ng isa sa pinaka-eligible bachelor in town at maging sa showbiz circle na kung saan ay mga tagapagtaguyod ang kanyang pa­milya, lalo na ang kanyang lola at ngayon ay Congressman Imelda Marcos at inang si Ilocos Gov. Imee Marcos na bumalik na naman sa pagpoprodyus ng pelikula.

Bagama’t paggawa ng indie muna ang pinagbubuhusan ng panahon ng masipag na gobernadora, pasasaan ba’t lalahok din siya sa mainstream. Panahon lamang ang kulang kay Gov. Imee dahil abala ito sa pagpapakilala ng kanyang probinsiya at paglalagay dito sa mapa ng turismo.

With her being selected as 2013 Ginebra San Miguel calendar girl, nasa liga na ang half-British, half-Pinay na si Georgina Wilson ng mga nauna sa kanyang calendar girls at naging mga sikat ding artista na sina Anne Curtis, Maureen Larrazabal, Iwa Moto, at Solenn Heussaff. May posibilidad na ring makita siyang umaarte sa harap ng screen.

“I have no plans right now. Itong pagiging calendar girl na ang pinaka-showbiz ko. But I never say no to anything,” ang sagot niya sa pangungulit ng press kung dyu-join din ba siya ng showbiz. Aside from her numerous endorsements, nakalabas na rin siya sa maraming palabas sa cable at free TV. Tulad ng pagiging host ng The Source, ang lifestyle show ng Star World Philippines at ang naging paglabas niya sa America’s Next Top Model, Cycle 17.

Naging judge at host din siya sa It’s Showtime. Bilang celebrity video jockey ng Channel V International, naging host din siya ng In Command, Scene, Hits All You Can, at marami pang iba. Bilang anchor ng Star World Asia, na-interview niya sina Kanya West, Katy Perry, at ang The Smashing Pumpkins.

Dahil sa napakaseseksi ng kanyang kuha sa ng 2013 kalendaryong ipamimigay ng Ginebra San Miguel, tinanong siya sa naging reaksiyon ng kanyang sikat ding boyfriend sa pagpayag niyang maging modelo.

“Excited din siya katulad ko. Masaya siya para sa akin. Wala namang naging problema dahil ako naman ang boss ng sarili ko. Supporter ko lang si Borgy (Manotoc),” may tiwalang sabi nito.

At para ipakita ang kanyang kooperasyon sa bagong trabaho niya, siya ang nag-iisang Ginebra San Miguel ca­lendar girl na pumunta sa mga pre-prod at siya mismo ang pumili ng mga susuotin niya.


Hindi ko alam kung bakit hindi ma-mention-mention ni Georgina na sa Pagudpod, sa Ilocos, bayan ng mga Marcoses, kinunan ang photo shoot ni Marc Nicdao pero napakagaganda ng mga kuha na nagpapakita sa maraming water sports tulad ng kayaking, beach volleyball, surfing, snorkeling, frisbee, at iba pa. Balitang dinalaw pa siya ng mga Marcos sa kanyang photo shoot.

Sa kabila ng pagiging maganda niya physically at pagiging matangkad, wala siyang balak na sundan ang yapak ng kanyang tiyahing si Gloria Diaz, kapatid nito ang ina niya.

“I don’t want to join any beauty contests. I’ll leave the titles to her,” aniya.

But she welcomes invitations na maging judge sa mga beauty contest, lalo na ’yung mga beki pageants dahil naging malaking bahagi na raw ng kanyang career ang mga bading who consider her an icon.

Sa ginawang pagkuha sa kanya ng Ginebra San Miguel na may mga produktong Ginebra San Miguel Melon at Dalandan flavors, GSM Blue/ Light, GSM Blue Flavors (Brown Coffee, Mojito, Apple at Lychee), Gran Matador Brandy at Light, at iba pang brands gaya ng Antonov Vodka Classic, Schnapps, Mixed Drinks. Don Enrique Mixkila at Mixx Cocktails Mixers, nailagay nito si Georgina sa isang posisyon bilang isang celebrity brand endorser at mas makikilala pa ng masa hindi lamang bilang girlfriend ni Borgy Manotoc.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: