Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

FANS NI GERALD ANDERSON HINDI TUMITIGIL NA IPATANGGAL SI CRISTINE REYES SA KANILANG TELESERYE!!!

BUMABAHA na naman ng hate e-mails sa aming inbox mula sa fans ni Gerald Anderson. Naghuhumiyaw ang pagtutol nila sa pag-uulayaw na gagawin ni Gerald kay Cristine Reyes na makakatambal niya sa drama series na kinabibilangan din ni Maricel Soriano, Diana Zubiri at iba pa.

Umuusok sa galit ang fans ng actor sa desisyon ng ABS-CBN na ipareha siya kay Cristine. As if naman meron silang magagawa sa desisyon ng Dos, huh!

Bukod kay Cristine, ipinagsisintir din ng panatikong supporters ang pagkaka-link ni Gerald kay Shaina Magdayao.

For sure, kung nakakatanggap kami ng hate e-mails na nagpapahayag ng sentimiyento ng fans, lalo na marahil sina Cristine at Shaina na wala namang kinalaman kung ipareha o itsismis kay Gerald.

Gaya ng iba pang hate e-mails ng fans, tengang kawali lang ang Kapamilya executives sa hinaing nila.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: